Advertisers

Advertisers

Batang Maynila, dapat sa de-kalidad, ligtas, mala-Manila Hotel na paaralan

0 15

Advertisers

Napaksuwerte naman ng mga batang Maynila, mayroon silang Mayor Isko Moreno Domagoso na totoo, may malasakit at laging maraming ‘resibo’ upang sila ay mabigyan ng moderno, de-kalidad at mas ligtas na pasilidad na paaralan.

Napapasabi na lang ako ng “Wow!” at sana all sa buong Metro Manila may katulad na proyekto na sisimulan na, matapos ang lagdaan ng MOA ng Department of Education (DepEd) at ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila.

Itong rehabilitasyon at modernisasyon ng Jose P. Rizal Elementary School sa Tondo ay hindi lamang isang proyektong pang-imprastraktura, mga giliw kong readers.



Mapagkakatiwalaan ang sinabi ni Mayor Domagoso: Hindi siya nagbibiro at ang proyektong gagawing parang Manila Hotel ang paaralan ay isang makapangyarihang salita at pangakong tutuparin.

Naniniwala si Yorme Isko – na produkto ng public school ng Tundo na tama lamang, dapat lamang na mabigyan ng de-kalidad, ligtas, at makabagong pasilidad na paaralan ang mga bata at Kabataang Maynila.



Maaring magtaas ng kilay ang mga nakarinig ng sinabi ni Mayor Isko na ang magiging anyo at kalidad ng paaralan ay hahalintulad sa Manila Hotel.

Para sa akin, ang sinabi niya ay simbolikong paghahambing na may malinaw na mensahe, ito para kay Yorme Isko ay kailangang itigil na, tapusin na ang paniniwala, na sapat na ang lumang silid-aralan, sirang pasilidad, at masikip na kapaligiran para sa mga mag-aaral ng mga public schools.



Ayaw maranasan ni Yorme Isko ang naranasan niya noong bata pa siyang estudyante ng public school para sa mahihirap na mag-aaral ng lungsod.

Sa mga public schools, mahirap mag-aral: lumang klasrum, kulang sa pasilidad, mainit, masikip at hindi maalwan, hindi comfortable ang learning environment.

Sa kaso ng Jose P. Rizal Elementary School, may mga gusaling idineklarang hindi na ligtas at may mga estrukturang dekada na ang tanda.

Karapatan ang edukasyon at kasama rito ang modernisasyon ng kampus, kapaligirang ligtas na mga klasrum, mas maayos na palikuran, mas maraming espasyo para sa pagkatuto, at mas kaunting pagsisiksikan ng mga mag-aaral,

Naranasan ito noon ng batang Francisco Moreno Domagoso noong siya ay elementary student ng Maynila at mahalaga ang mensahe ng pangako nila na mala-Manila Hotel ang modernong Jose P. Rizal Elementary pag nakumpleto na.

Kay Yorme ito ay a usapin ng social justice, pagkat Karapatan din ng mahihirap na matamasa ang tinatamasa ng mga anak ng mayayaman — ang makapag-aaral sa mga paaralang may world-class na pasilidad.

Dapat ding maranasan ito ng mga batang mula sa Tondo – sila man ay may karapatang mabigyan ng de kalidad at may dignidad at kalidad ng edukasyon!

Hindi biro ang sinabi ni Yorme dahil naniniwala siya, ang magandang paaralan ay hindi luho kundi bahagi ng karapatan ng bawat kabataan.

Malaki ang epekto sa paghubog ng kakayahan at palakasin ang likas na talino ng mahihirap na estudyante ang magkarooon ng maaliwalas at ligtas na kapaligiran.

Kung komportable ang learning environment, mas mabibigayn ng ibayong konsentrasyon, disiplina, motibasyon, at pangkalahatang pagganap sa aralin ang mga batang Tundo,

Kaya, isa kami sa nagbibigay kapurihan at parangal, kasama ang matingkad na paghanga kay Yorme Isko na naniniwala, ang mabigyan ng mala-Manila Hotel na kondisyon sa pag-aaral ng mga bata at Kabataang Maynila ay isang social justice – na matagal ding naipagkait sa kanila.

May kamalayang historikal din ang pagpayag ni Mayor Domagoso na sa halip na gibain, tanggapin ang inilaan ng DepEd ng P63.2 milyon sa rehabilitasyon ng 109-taong gulang na Gabaldon Building.

Naniniwala si Yorme, lalo na si DepEd Sec. Sonny Angara na mahalaga na isamoderno ang matandang paaralan at ito ay kapuri-puri na pagsamahin ang modernisasyon at pangangalaga sa pamana ng nakaraan.

Kilala natin si Yorme Isko na siya ay laging may ‘resibo’ sa mga pangako nila at simula lamang ang seremonya ng paglagda ang tagumpay ng kasunduang ito.

Patutunayan ni Yorme Isko, ang batang Tundo na tulad niya ay may isang salita na laging tinutupad, na sabi nga ni Sec. Angara, iilan lamang ang tulad ni Yorme Isko na may patotoo at resibo ng mga salita niya.

Sa susunod na mga taon, libo-libo nang batang Tundo ang makapagtatamo, makararanas ng de-kalidad, mas ligtas at komportableng kondisyon na magpapalago ng kanilang kaalaman at talino at huhubog sa kanila ng mataas na uri ng disiplina ng edukasyon.

Mala-Manila Hotel na paaralang bayan sa Maynila?

Opo, at pararamihin pa ito ni Yorme Isko pagkat ‘yon ay isang pamanang hindi maluluma, hindi kukupas kungdi mala-kristal na diyamanteng dapat lamang maibigay sa bata at Kabataang Maynila

Sanlibong saludo, wow!, isa na naman na resibo ito ni Mayor Isko Moreno.
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe sa bampurisima@yahoo.com.