Advertisers

Advertisers

PASAHERONG PINOY NA SUPORTER NG TERORISTA, DINAKMA SA NAIA 3

0 11

Advertisers

ISANG pasaherong Pinoy na may outstanding warrant of arrest dahil sa umano’y paglabag sa Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012, ang inaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Regional Special Operations Team 4A, sa koordinasyon ng PNP Aviation Security Group (AVSEGROUP), matapos na dumating ang una sa Ninoy Aquino International Airport ( NAIA ) Terminal 3 noong Martes, Nobyembre 24, 2026.

Isinagawa ng mga tauhan ng CIDG ang joint operation matapos makipag-ugnayan sa NAIA Police Station 3 para ipatupad ang warrant na inilabas ng Regional Trial Court, Branch 7, Batangas City, na may inirekomendang piyansang aabot sa PHP200,000.

Ang pasahero, na dumating sa isang flight mula Incheon, South Korea, ay naaresto ng mga awtoridad habang nasa arrival area.



Ipinaalam sa kanya ng mga tauhan ng CIDG ang uri ng pag-aresto sa kanya at ipinaalam sa kanya ang kanyang mga karapatan sa konstitusyon sa wikang naiintindihan niya.

Ang naarestong indibidwal ay kasunod na itinurn-over sa kustodiya ng CIDG Regional Special Operations Team 4A Headquarters sa Canlubang, Laguna, para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.



Binigyang-diin ni PNP AVSEGROUP Director PBGEN Dionisio B. Bartolome, Jr., “Sa pamamagitan ng pagbabantay at malakas na pakikipagtulungan sa pagpapatupad ng batas, titiyakin nating mananatiling ligtas ang ating mga paliparan at mananagot ang mga umiiwas sa batas.” (JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">