Advertisers

Advertisers

Mag-ingat sa swimming: 2 menor patay sa lunod

0 20

Advertisers

NASAWI ang dalawang bata at dalawa ang nakaligtas nang malunod habang naliligo sa Ilog Cagayan, sakop ng Barangay Sta Isabel Norte, City of Ilagan, Isabela.
Ang biktima ay dalawang 10-anyos na mga babae at residente rin sa nabanggit na lugar.
Sa imbestigasyon, hapon ng Marso 28, nagtungo ang apat na bata sa ilog para maligo. Nguni’t sa lakas ng agos ng tubig, tinangay ang mga ito sa malalim na bahagi ng ilog.
Nagkataon na may isang residente ang nasa lugar at sumaklolo sa nalulunod na mga bata. Naisalba ang dalawa.
Nang matanggap ang ulat, kagyat nagsagawa ng search and rescue operation ang mga awtoridad at matapos ang higit isang oras na paghahanap ay narekober ang wala nang buhay na dalawang bata.
Samantala, tumanggi ang mga magulang ng mga biktima na isailalim ang mga labi sa otopsiya.
Nagpapaalala naman ang mga awtoridad na huwag payagang maligo ang mga bata nang walang superbisyon ng nakatatanda upang maiwasan ang ganitong mga insidente. (Fidel Coloma)