Advertisers
NASA 90 Chinese vessels sa apat na maritime features sa West Philippine Sea ang namonitor ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong buwan ng Marso.
Nasa 49 na vessels ng People’s Liberation Army Navy (PLA-N) at China Coast Guard (CCG) ang namataan sa Bajo de Masinloc.
Sa Pag-asa Island, nakapagtala ng nasa kabuuang 15 vessels; sa Ayungin Shoal ay may namataan na 14 vessels; at sa Escoda Shoal, nakapag-monitor ng nasa 12 Chinese vessels.
Samantala, nasa kabuuang 22,755 vessels ang namataang naglalakbay sa loob ng Philippine maritime zones, kung saan higit 19,000 rito ay mga foreign-flagged vessels, habang higit 3,000 naman ay mga domestic vessels.
Nasa 14,990 vessels naman ang sumunod sa international protocols at naitalang nag-respond sa radio challenges, habang 7,765 dito ang hindi tumugon.
Ayon sa ulat ng AFP, mas mataas ang bilang ng Chinese vessels na namonitor ngayong Marso kumpara sa Pebrero, na umabot lamang sa 62 vessels.