Advertisers
INIHAYAG ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na posibleng tumaas ang inflation sa pagitan ng 3.1 at 3.9% ngayong buwan ng Marso.
Ayon sa BSP, ang pagtaas ng presyo ng petrolyo, bigas, at kuryente, kasama ang pagbaba ng halaga ng piso, ang maaaring nagtulak sa pagtaas ng mga bilihin.
Samantala, ang mas mababang presyo ng gulay, isda, at karne ay nakakatulong naman upang mapanatiling mababa ang inflation.
Noong Pebrero, umabot ang inflation sa 2.4%, na pinalakas ng mas mataas na presyo sa pabahay at pagkain. Nang panahong iyon, sinabi na ni National Statistician Dennis Mapa na maaaring tumaas pa ang inflation sa mga susunod na buwan dahil sa krisis sa Gitnang Silangan.