Advertisers

Advertisers

Palasyo dedma sa panibagong banat ni VP Sara

0 10

Advertisers

HINDI pinatulan ng Malacañang ang pahayag ng kampo ni Vice President Sara Duterte na itinuturing umano ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bise presidente bilang “public enemy no. 1.”

Sa press briefing sa Baguio City, maikli ngunit direkta ang naging tugon ni Palace Press Officer at Communications Undersecretary Claire Castro nang hingan ng reaksyon sa akusasyon ni VP spokesperson Atty. Salvador Paolo Panelo.

Iginiit ni Panelo sa isang panayam na sinasabing ginagawa ng administrasyon ang lahat ng paraan upang pabagsakin ang pangalawang pangulo. Sinabi rin niyang may dokumentasyon ang pamilya Duterte kaugnay ng mga umano’y banta sa kanilang seguridad.



Gayunman, itinuring ni Castro na walang sapat na batayan ang naturang akusasyon at hindi nararapat pag-aksayahan ng panahon. Sa halip na patulan ang pahayag ni Panelo, ipinahiwatig ng opisyal na wala itong saysay para sa Palasyo. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">