Advertisers

Advertisers

Unified PWD ID system para masugpo paggamit ng pekeng ID itinutulak ng DSWD

0 5

Advertisers

BINALIKAN muli ni Senador Raffy Tulfo ang problema sa paglaganap ng mga pekeng Persons with Disability ID at tinanong ang Department of Social Welfare and Development kung paano nito mapipigilan ang mga hindi kwalipikadong indibidwal na makakuha ng mga benepisyong nakalaan para sa mga tunay na PWD.

Sa deliberasyon sa panukalang 2027 budget ng naturang ahensiya sa plenaryo ng Senado nitong Miyerkules, Nobyembre 25, inilahad muli ni Tulfo ang epekto ng paggamit ng pekeng ID, partikular sa mga restaurant at iba pang negosyong nagbibigay ng 20 percent discount at VAT exemption.

Matatandaang naging malaking usapin ang umano’y malawakang paggamit ng pekeng PWD ID matapos ibunyag ng Department of Justice noong Oktubre na tinatayang anim na milyon ang umano’y posibleng gumagamit ng mga kahina-hinalang ID.



Bilang tugon naman Senator Risa Hontiveros, na siyang dumepensa sa Panukalang budget ng ahensiya, ipinaliwanag ang mga hakbang na isinusulong ng Department of Social Welfare and Development, kabilang ang pagsusulong ng Unified Persons with disability ID System.

Sa ilalim ng planong sistema, gagamit umano ng QR code na konektado sa live database upang madaling masuri ng mga establisyimento kung tunay at rehistrado ang PWD ID bago ibigay ang kaukulang diskuwento at benepisyo.



Ayon kay Hontiveros, nasa 82 percent na ng mga local government unit ang saklaw ng rollout ng unified system. Sa pamamagitan ng QR code, maaaring i-scan ng mga restaurant, hotel, at iba pang establisyimento ang ID upang makita kung kabilang ang may hawak nito sa opisyal na talaan ng mga PWD.

Samantala, matapos ang deliberasyon at interpellation ng ilang senador, tuluyan nang nakalusot sa plenaryo ng Senado ang panukalang mahigit 253 bilyong pisong budget ng DSWD at mga attached agencies nito para sa 2027, at sasailalim na sa mga susunod na proseso ng pag-apruba sa pambansang budget.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">