Advertisers

Advertisers

Illegal fish cages ng mga Tsino pinaiimbestigahan, pinatatanggal ng pamahalaan

0 3

Advertisers

IPINAG-UTOS ng Department of Agriculture (DA) sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang agarang imbestigasyon sa mga fish cage sa Sual, Pangasinan na umano’y ilegal na pinatatakbo at pag-aari ng mga Chinese nationals.

Ayon kay Palace Press Officer at Communications Undersecretary Claire Castro, malinaw ang paninindigan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi dapat maagrabyado ang mga Pilipino o mawalan ng karapatang mangisda dahil sa operasyon ng mga dayuhan.

Sinabi ni Castro na nakipag-ugnayan na ang Palasyo kay Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr. at tiniyak ang agarang pagsisiyasat sa umano’y ilegal na pagmamay-ari at operasyon ng mga fish cage sa lugar.



Binigyang-diin din ng opisyal na dapat mapangalagaan ang likas na yaman ng bansa at matiyak na ang kapakinabangan nito ay mapupunta sa mga Pilipino. Ipinatatanggal naman ng DA ang mga naturang fish cage kapag mapatunayang lumalabag sa batas ang kanilang operasyon. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">