Advertisers

Advertisers

2 sundalo tinumba ng riding in tandem

0 19

Advertisers

NASAWI ang dalawang sundalo ng Philippine Army nang pagbabarilin ng mga lalaking sakay ng motorsiklo sa Sultan Kudarat, Maguinda-nao del Norte nitong Martes, Nobyembre 24.
Batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya, naganap ang pamamaril 2:50 ng hapon sa Crossing Simuay Junction habang magkasakay sa isang motorsiklo ang dalawang sundalo.
Kapwa nakatalaga sa 40th Infantry Battalion ng 6th Infantry Division ng Philippine Army ang mga biktima.
Ayon sa pulisya, bumibiyahe ang mga sundalo mula North Cotabato patungong Cotabato City nang sundan sila ng riding in tandem.
Pagdating sa Crossing Simuay, pinaputukan ng riding in tandem ang dalawang sundalo, na nagtamo ng mga tama ng bala sa kanilang katawan.
Agad isinugod ang mga biktima sa Cotabato Sanitarium and General Hospital, pero ‘di rin sila nailigtas.
Agad namang nagsagawa ng hot pursuit operation ang pulisya katuwang ang militar, nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang salarin.
Ayon sa Police Regional Office–Bangsamoro Autonomous Region, nasita ang mga salarin sa isang checkpoint sa Rebuken, Sultan Kudarat matapos tumugma ang kanilang mga deskripsiyon sa impormasyong ibinigay ng mga testigo.
Nasa kustodiya na ng Sultan Kudarat Municipal Police Station ang mga salarin.
Kabilang sa mga sinisilip na posibleng motibo ang kaugnayan ng pag-atake sa trabaho ng mga biktima at personal na alitan, bagama’t wala pang pinal na natutukoy na dahilan ng pa-mamaril.