Advertisers

Advertisers

Mga sindikato, mapapalaban kayo, hindi kayo makalulusot sa BOC-NAIA!

0 9

Advertisers

May mga pagkakataon, nasasangkot sa kontrobersiya ang Bureau of Customs, pero may mga dahilan upang maipagmalaki, hangaan ang mga opisyal, tauhan ng Aduana – at mahalaga, banggitin ang sunud-sunod na pagkakasabat ng malalaking halaga ng ilegal na droga at mga kontrabado sa pamumuno ni BOC-Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Customs District Collector Atty. Yasmin O. Mapa.

Nito lang Huwebes, Nob. 25, 2026, tinataya na P369.44 milyong halaga ng illegal drugs ang nasamsam sa pangunguna ni Coll. Atty. Mapa noong Nobyembre 25, 2026.

Dumating noong Nob. 23 mula sa Thailand ang 2 parsel, may timbang na 307.866 kilos, na idineklarang may laman na iba-ibang uri ng children’s toys, at mga p;iraso ng truck mirrors na nakadestinong dalhin sa Cavite City at Bulacan.



Iba pang kinumpiska ng BOC-NAIA sa anti-illegal drugs operations ay nangyari noong Okt. 5, 2026, shabu na nagkakahalaga ng P496.413 milyon may timbang na 73.002 kilos.

Ang ilegal na droga ay mula sa Guadalajara, Mexico at noong Setyembre 14, 2026, nasabat ng tropa ni Coll. Mapa amg mahigit na P199.7-milyong high grade na marijuana at shabu – na idineklarang personnel effects sa isang Customs warehouse sa Pasay City.



Eto pa, 3 Pinoy na galing Bangkok, Thailand ang inaresto noong Set. 24 nang makita sa kanilang bagahe ang hinihinalang marijuana na nagkakahalaga ng P18.6 milyon sa Terminal 3, NAIA.

At marami pang kahanga-hangang akomplisment Ng BOC-NAIA na bunga ng nagkakaisang dedikasyon ng PDEA, CAIDTF, Enforcement and Security Service, X-Ray Inspection Project (XIP), Customs Intelligenxe and Investigation Service at NAIA Inter-agency Drug Interdiction Task Force.



Hindi biro ang nakumpiskang kontrabadong ilegal na droga sa mga operasyong ito na bunga ng mahusay na liderato ni Atty. Mapa, at kung pagsasama-samahin ang matatagumpay na operasyong ito, malinaw ang isang mensahe.

Hindi humihinto ang mga international drug syndicate sa paggawa, paghahanap ng mga bagong paraan upang maipasok ang droga sa Pilipinas.

Napagwari ni Coll. Mapa, kung dati ay karaniwang kargamento o container van ang ginagamit, ngayon ay parcel services, personal baggage, at maging industrial equipment na ang nagiging taguan ng kontrabando.

Napakahalaga ng intelligence gathering at masusing inspeksiyon sa ating mga paliparan at pantalan, at ito ang laging ipinaalaala ni Coll. Mapa, kasi kapag may nakalusot na kontrabando, ang bawat kilo o gramo ng shabu o marijuana na makalusot, libo-libong kabataan, buhay ng pamilyang Pilipino ang nasa panganig ng pagkalulong sa bawal na gamot, pagkakulong at pagkamatay.

Dahil sa mahusay na koordinasyon ng mga yunit ng BOC-NAIA, ang bawat sindikatong nabubuking ay isang dagok sa kanilang operasyon.

Ang nakaraang serye ng matagumpay na anti-illegal drug operation ng tropa ni Atty. Mapa ay isang paalala na may mga kawani ng gobyerno na seryosong isinasabuhay ang kanilang trabaho at mandato.

Malaking papel sa tagumpay ng mga operasyong ito ay ang koordinasyon ng BOC-NAIA, PDEA,Customs Intelligence units, at iba pang law enforcement agencies.

Ang kampanya laban kontra droga ay hindi kayang isagawa ng isang tanggapan lamang; kinakailangan dito ang walang tigil, dere-deretsong pagbabahagi ng impormasyon, teknolohiya, at determinasyon.

At ang katatagan ng integridad na hindi maaaring baliin ng anomang alok o tukso ng katiwalian – at ito ang laging ipinaalaala ni Coll. Yasmin Mapa, laging maging matapat sa pagtupad ng sinumpaang tungkulin sa bayan.

Ang serye ng drug interceptions sa ilalim ng pamumuno ni Atty. Yasmin Mapa ay nagpapakita na kapag may malinaw na direksiyon at mahigpit na pagpapatupad ng batas, may konkretong resulta na nakikita ang publiko.

Pinanatili ni Atty. Mapa ang mataas na moral ng mga tauhan niya, at ang pagpapanatili ng mataas na kalidad ng pagbabantay, dahil ang mga kontrabandista ay nagiging “talentado” kung paano ipupuslit ang kanilang ilegal na gawain.

Kapuri-puti ang tropa ni Coll. Mapa, habang tayo na karaniwang mamamayan ay payapang natutulog, sila ay nagpupuyat sa pagbabantay!

Kung ang iba ay abala sa politika, ang BOC-NAIA ay buong sipag, buong tiyaga at malasakit sa isang digmaan laban sa pagpasok ng iligal na droga na sumisira sa buhay ng libu-libong Pilipino.

Alam ni Coll. Mapa, ang digmaan laban sa ilegal na droga at kontrabando ay hindi dinadaan sa salita lamang – ang kailangan ay may resulta.

At ito nga ang resulta ng sunud-sunod na operasyon ng tropang BOC-NAIA na binigo ang mga sindikato ng ilegal na droga.

Sa mga matang agila ng mga opisyal at tauhan ng BOC-NAIA, hindi sila papayag na pumalya, hindi sila makalulusot,

Kapag nangyari iyon, maraming pamilya na naman ang masisira?

Maraming kabataan na naman ang magigign sugapa, at magiging criminal.

Maraming pamilyang Pilipino ang masisira.?

Naturalmente, hindi papayag si Coll. Mapa na mangyari ito.

Kahit mahirap ang araw-araw na trabaho ng pagbubusisi ng kargamento, pagbuo ng intelligence information, at pagsabak sa mga kontra-kilos sa mga sindikato, hindi ppapayag ang tropa ni Coll. Mapa na sila ay makalusot.

Kung may dapat kilalanin, ito ay ang mga opisyal na hindi lamang nakaupo sa mesa kundi naghahatid ng kongkretong bunga ng kanilang panunungkulan.

Sa digmaan laban sa ilegal na droga at pagpupuslit ng mga ilegal na kargamento, malinaw ang sagot ni Collector Yasmin Mapa:

Mapapalaban ang mga sindikato pagkat hindi sila papayag, hindi sila makakalusot.

Mahuhuli sila, makukulong, mapaparusahan, tiyak iyon!

Collector Yasmin Mapa at mga katropa, mabuhay kayo, bravo!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe sa bampurisima@yahoo.com.