Advertisers

Advertisers

DRIVER NASAWI SA NAHULOG NA SASAKYAN SA IKAAPAT NA PALAPAG NG PARKING AREA SA MAKATI CITY

0 8

Advertisers

NAGKALASOG-LASOG ang katawan ng isang driver matapos mahulog ang minamaneho nitong sasakyan mula sa multi-level parking area ng isang gusali/hotel sa Barangay San Lorenzo, Makati City ngayong Huwebes, Nobyembre 26, 2026.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ito bandang 11:45 ng tanghali sa bahagi ng Jimenez St., Barangay San Lorenzo, Makati City.

Ayon sa ulat, habang minamaneho ng biktima ang kanyang sasakyan sa spiral driveway nang aksidenteng nabangga ang nakaharang na bakal dahilan upang mahulog ito sa parking area.



Ayon sa ilang Barangay officials, nakarinig sila nang malakas na pagbagsak mula sa kalsada kung saan nakita nila ang isang nakatihayang sasakyan.

Tinatayang nasa 55 taong gulang ang driver at idineklarang dead on the spot dahil sa lakas ng pagkakabagok at pagkakaipit sa loob ng sasakyan.



Nabatid na nag-overshoot umano ang sasakyan sa spiral driveway ng parking area hanggang tumilapon ito sa kalsada.
Walang naiulat na nasugatan mula sa mga pedestrian.

Patuloy na iniimbestigahan ng Makati City Police at mga awtoridad ang sanhi ng insidente. (JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">