Advertisers
Hindi pa rin maiwasan ang malaking pagdududa sa sektor ng edukasyon sa posibleng maging sa GHOST PROJECT ang P2.2 bilyong MACBOOK PROJECT ngayon ng DEPARTMENT OF EDUCATION (DEPED) tulad noong pandemic era na hindi maibigay sa mga guro ang mga computer o laptop na dapat magamit ng mga teacher.
Sa liderato ngayon ni DEPED SECRETARY SONNY ANGARA ay bumili ng APPLE MACBOOKS na nagkakahalaga ng P2.2 bilyon.., na mayroong isang liham na walang pirma, may petsang Nobyembre 7, ang ipinaabot kay SEC. ANGARA sa pamamagitan ng Bids and Awards Committee V (BAC V). Ayon sa liham ay may anim umanong kontrata sa gobyerno na hindi isinama ng SVCGPI sa *Statement of All Ongoing Government and Private Contracts* nito.
Ang mga GOVERNMENT ENTITY na tinukoy sa liham ay ang DepEd Region V; DENR-Mines and Geosciences Bureau Region IV-A; Public-Private Partnership Center; DepEd Region III; Office of the Solicitor General; at PEA Tollway Corporation.
Yun nga lang ay tila wala pang independent verification sa alegasyon para matukoy kung ongoing ang mga kontrata noong bidding at kung sakop ang mga ito sa kailangang ideklara ng bidder.
Sa proyektong bilyon-bilyong piso ang halaga ay dapat malinaw sa publiko kung paano ginawa ang bawat desisyon.., tulad sa sistemang kontratang dineklara ng bidder, proseso ng post-qualification at sa kalayaang magpasya ng procurement officials. Ikaw nga ay pera ng taumbayan ang nakataya kaya dapat ay malinaw ang mga sagot at may dokumentong sumusuporta sa mga ito.
Sa mga tinukoy na procurement documents ay nakalista ang SILICON VALLEY COMPUTER GROUP PHILIPPINES, INC. (SVCGPI) bilang LOWEST CALCULATED BIDDER sa isa o higit pang lot sa REBIDDING ng DEPED COMPUTERIZATION PROGRAM (DCP) Packages.
Mahalaga ang deklarasyon ng mga ongoing contract dahil ginagamit ito para masuri ang kasalukuyang obligasyon at financial capacity ng bidder. Kasama rito, kung applicable, ang NET FINANCIAL CONTRACTING CAPACITY (NFCC).
Hiling sa liham na i-verify ang impormasyon bago igawad ang anumang kontrata.., na ang rekomendasyon naman ng BIDS AND AWARDS COMMITTEE V (BAC V) STAFF ay dismiss ang liham
Sa dokumentong pinamagatang BAC V Recommendation ay nakasaad ang Dismissal of the Anonymous Letter on Alleged Undeclared Ongoing Contracts of Silicon Valley Computer Group Phils., Inc. na ang mga kadahilanan sa rekomendasyon ay walang nakilalang lumagda o organisasyong nagpadala; walang kalakip na kontrata; Notice of Award, purchase order o delivery record; walang dokumentong nagpapakitang ongoing ang anim na kontrata noong Novembre 4 at ang Facebook post ng PEA Tollway Corporation na binanggit sa liham ay inilathala noong Nobyembre 5 na walang makukuhang kumpirmasyon sa post tungkol sa petsa ng pagpirma sa kontrata na sinasabi ng nagpadala.
Gayunman, ang ipinupunto ng mga observer ay may saysay ang pagbusisi sa bigat ng isang reklamong walang pirma at walang kalakip na dokumento. Ang alegasyon ay kailangan pa ring patunayan at may paraan daw para malaman kung tama ang impormasyon kahit walang nakilalang nagpadala.., ikaw nga ay suriin ang opisyal na records.
Dapat linawin ng DEPED kung may external consultants na tumulong sa paggawa ng technical specifications, procurement planning, bidder evaluation o iba pang bahagi ng MacBook procurement.., gayundin ay kung anong safeguards ang inilagay para maiwasan ang conflict of interest!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.