Advertisers
KUMBINSIDO kami na may kahinaan ng ulo si Bise Presidente Sara Duterte. Siya ang pangalawang pinakamataas na lider pulitikal sa bansa pero wala siyang kayang kakayahan na harapin ang anumang panayam kundi ang dalawang patapon na blogger na nangangalang “Banat By” at Jack Argota. Parehong may kapansanan ang dalawa.
Hindi namin kilala ang sinuman sa kanila at wala kaming nakikitang dahilan upang kilalanin sila. Parehong silang walang binatbat. May balita kami na muntik nang nabaliw si Banat By dahil sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Ipinanganak na may biyak sa nguso si Jack kaya ngongo siya sa pagsasalita.
Dahil hindi nasanay na nag-aaral sa mga usapin si Sara, hindi siya nagkaroon ng tiwala sa sarili na ipaliwanag ang alinman sa mga isyu na humaharap sa bansa. Ito ang dahilan kung bakit mga patapon na blogger ang kumakapanayam sa kanya. Para siyang hindi bise presidente.
Hindi namin maisip na sinuman sa mga beteranong mamamahayag sa broadcast at pahayagan ang haharapin ni Sara sa isang mabusisi at katanggap-tanggap na panayam. Bakit hindi si Jessica Soho, Karen Davila, Carmina Constantino, o ang blogger na si Lovely Granada?
Bakit hindi ang mga mamamahayag na kabilang sa pinipitagang National Press Club o Foreign Correspondents’ Association of the Philippines (FOCAP). Bakt hindi ang mga beteranong anchor ng radyo tulad ni Deo Macalma, Joel Zobel Reyes, at Carlo Mateo?
Hindi namin kinakitaan ng suporta si Sara mula sa intelihenteng sektor ng lipunan. Pawang mga patapon na DDS ang sumusuporta sa kanya. Dahil may salaping dinambong sa kaban ng bayan, mayroon siyang malawak na troll farm na ipinagtatanggol siya sa social media. May balita na nakabase sa Tsina ang mga troll farm ni Sara.
***
KAMAKAILAN, binatikos ni Sara ang PNP dahil hindi na daw siya nakakaramdam na ligtas siya sa kapahamakan. Susmaryosep, dahil hindi na niya private army ang PNP, nagagalit si Sara at tinitira niya ang PNP.
Isa lang ang sagot ni Gen. Melencio Nartates. Kung may mga pagbabanta sa buhay niya, isumite lang niya ang mga detalye at aaksiyunan niya agad ito. Hindi namin alam kung may isinumite si Sara. Pero alam namin na pinagtatawanan lang siya ng liderato ng PNP. Wala na siyang hatak sa PNP dahil bistado siya sa kapalpakan niya.
***
MALAKING katanungan kung matatapos ang paglilitis kay Sara bago sumapit ang Pasko. Sa ganang amin, pinakamalaking problema ni Sara na walang may gusto na humarap bilang testigo niya. Sa totoo, walang maiharap ang depensa na magiging saksi para sa kanya.
Ayaw nila at nilibak siya. Alam nila na patalo ang ipinaglalaban niya sa Senado bilang hukuman. Mas malamang na sibakin siya sa puwesto sa pagtatapos ng taon. Magkakaroon ang bansa ng ibang bise presidente sa pagpasok ng 2027.
***
NAIS namin hikayatin ang ibang gumagamit ng social media na tigilan na ang pangungutya kay Alan Peter Cayetano at kahit kay Robin Padilla. Walang mapapala ang bansa kung ang dalawang mambabatas ang paksa ng kanilang mga post.
Parehong walang nalalaman ang dalawa at malamang humimas ng rehas sa 2027 dahil sa kanilang mga kagaguhan. Nahaharap si Cayetano sa sakdal na plunder dahil sa hindi naipaliwanag na flood control project sa Taguig City at si Robin sa obstruction of justice dahil kasama siya bilang kasabwat kay Bato.
Malaking bagay na itigil na ang pag-post sa kanilang mga kagaguhan at kapalpakan. Wala mahihita ang bayan kung sila ang bibigyan ng pansin.
***
Email:bootsfra@gmail.com