DATING OFW, NAKUHA ANG PANALO SA LOTTO MATAPOS ANG 12 TAON
Advertisers
Matapos ang 12 taon, nakuha na ng dating OFW na si Antonio Mendoza ang kanyang napanalunang jackpot sa Lotto 6/42, kasunod ng desisyon ng Korte Suprema noong 2023 at pagkuha ng clearance mula sa Commission on Audit (COA).
Nanalo siya noong Oktubre 2014 subalit nasunog o nagka-itim ang bahagi ng winning ticket matapos itong maplantsa ng kanyang anak, kaya hindi ito agad na-validate at ibinigay ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Umabot sa mahigit P12 milyon hanggang P14 milyon ang natanggap niya, kabilang ang dagdag na halos P2 milyon na tubo nito.
Matapos mag-utos ang Korte Suprema noong 2023 na ibigay ang premyo at makakuha ng awtorisasyon sa COA, naibigay na ang tseke kay Mendoza nitong Nobyembre 2026.
Gagamitin umano niya ang pera para sa pangangailangan ng pamilya at upang magtayo o palawakin ang negosyo at magbayad ng mga utang.
Ayon kay PCSO general manager Mel Robles, natutuwa sila na natapos na ang isyu na nakabinbin sa matagal na panahon.
Nag-paalala din siya sa mga mananaya na ingatan ang mga tiket para di magkaproblema sakaling manalo sila. (JERRY S. TAN)