Advertisers

Advertisers

Tuloy ang internal cleansing ng NAPOLCOM ng mga Rotten Eggs, Misfits at Undesirables sa PNP

0 16

Advertisers

Sa mga di nakakikila kay Atty. Ralph Vicente Calinisan — siya ay anak ng ngayo’y retiradong Police Brig General Calinisan o si “Mr. Clean” na kung tawagin nuong panahon ng PC Metrocom ng dekada late 60s to late 70s. Tahimik at matalim makiramdam, matalino at medyo reserve kapag kausap ang ama ni Napolocom Comissioner Ralph Calinisan. Bukod sa kanyang pagiging spic and span manamit, ang nakatatandang Calinisan ay sadyang “Clean” pati sa paguugali … bagay na bansagan siyang Mister Clean nina dating Dir Gen Larry Mendoza, at mga naunang high officials ng PC Metrocom na sina BG Prosper Olvas, BG Alfredo Montoya, BG Juanito Remulla at mga kasabayan ni Bobby Calinisan na ngayo’y pawang mga retirado nang Philippine Constabulary “Khaki and Red”!

May pinagmanahan si Commissioner Ralph — ang kanyang amang tahimik, matalino at striktong disciplinarian. Iyan ang nakikitang demeanor niya na kahit sa glaring lights ng TV cameras ay hindi nagtatago ang pagka yamot at pagkadismaya sa mga maling gawain ng mga miyembro ng PNP.

Sa mga original na PC na nakahalibilo ni General Bobby iisa ang pagsasalarawan nila — sadyang Mister Clean ang opisyal at iyan, bagay na ipinagmamarangal ng PC Metrocom Chief nuong araw na si BG Prosper “Olive” Olivas, the vaunted PCM Chief who steered the formidable unit to the glory of genuine mil/police service to God, country and people. Alam ko ito dahil sa pagiging research/writer ko ng OCPC at Constabulary Adjutant General (the voice of the Commander) buong 1970 hanggang 1975.



Hindi magkamayaw ang NAPOLCOM ngayon sa dumaraming misdemeanor at irregularity ng mga bagong miyembro ng PNP. “Feisty” ang pagsasalarawan ko Kay Commissioner Ralph sapagkat head-on ang trato niya sa mga nirereklamong pulis na kung hindi pagnanakaw– ay pagwawalanghiya at pagwawalang bahala sa mga palsong gawain ng mga rank and file pati na ang kanilang mga hepe na sa kasalukuyan ay mga suspendido ang katatayuan ayon na rin sa kapangyarihan ng Napolocom.

Mahigpit sa kanyang mandato at patas sa pagpapataw ng kaukulang disciplinary action at sanction si Commissioner Ralph, bagay na kinagiliwan siyang purihin ni dating CIDG Director Lucas Mallilin Managuelod nang ang huli ay naimbitang maging Guest of Honor sa Monday Flag Raising Ceremony ng Napolocom ilang Lunes na ang nakakaraan. At dahil nga partner in the service of God, country and people, binahaginan bilang donasyon ni PSSLAI Chairman at CEO Lou Managuelod ang NAPOLCOM ng isang Toyota HiAce Commuter van para sa kanilang official mobility purposes.



Matagal pa ang ilalagi ni Commissioner Ralph at inaasahan ng marami na makakamtan ng PNP ang isang maaliwalas na imahe sa paglilinis ng mga rotten eggs sa organisasyon kapalit ng pagtitiwala ni Pangulong Bongbong Marcos sa pagkaka-nobra sa kanya sa National Police Commission.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">