Advertisers

Advertisers

Sabay ng kay Cong. Leandro Leviste…‘BILYONES NI CUSI PINA-‘FREEZE’ NG KORTE

0 13

Advertisers

BUKOD kay Batangas Congressman Leandro Leviste, naglabas din ng freeze order ang Court of Appeals (CA) sa mga asset o ari-arian ni PDP Laban Vice Chairman Alfonso Cusi bilang tugon sa petisyon ng Anti-Money Laundering Council (AMLC).

Napag-alaman na ang petisyon ng AMLC ay may kaugnayan sa mga solar energy contract na nakuha ng mga kompanya ni Leviste habang kalihim pa noon ng Department of Energy (DOE) si Cusi.

Tulad ni Leviste, natukoy din ng AMLC ang biglang paglobo ng mga perang pumasok sa mga bank account ni Cusi.



Ipinapakita sa resolusyon ng CA na nakatanggap ang mga bank account ni Cusi ng 243 cash deposit na may kabuuang halaga na P434.85 milyon mula 2016 hanggang 2022, kung saan naitala ang pinakamalalaking pagpasok ng pera noong 2017 at sa kanyang huling taon sa panunungkulan.

Nabatid na noong 2017, nasa P170.32 milyon ang naideposito sa kanyang mga account, kasabay ng paggawad ng maraming solar energy service contract sa mga kumpanyang nauugnay kay Leviste.



Muling lumobo ang mga deposito sa huling taon ni Cusi sa puwesto. Noong 2022, umabot ito sa P195.25 milyon.

Mariin namang kinondena naman ng PDP Laban ang nasabing kautusan. Sinabi ng tagapagsalita ng partido na si Atty. Ferdinand Topacio na wala itong basehan at isa lamang itong politically motivated na pag-atake upang i-harass, takutin at patahimikin ang oposisyon.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">