Advertisers
DAHIL sa kagustuhan na lutuin ang impeachment ni Misfit Sara, pinilit ng kampo ni Misfit na magdagdag ng bagong requirement upang maging mahirap sumulong ang isang impeachment complaint. Pasok ang Korte Suprema na nagtakda ng mga bagong kautusan upang gawing kumplikado ang proseso ng impeachment complaint laban kay Misfit Sara.
Hindi alam ng kampo ni Misfit na babalandra sa kanilang mga pagmumukha ang mga bagong requirement. Batay sa desisyon ng Korte Suprema noong ika-25 ng Hulyo, 2025, nagkaroon ng dagdag na trabaho ang Kapulungan ng mga Kinatawan (House of Representatives) sa usapin ng impeachment ni Misfit Sara.
Hindi lang ang determinasyon ng sufficiency of form at substance ang itinakdang trabaho ng Kapulungan. Bagaman hindi poder ng Korte Suprema na gumawa ng batas at alituntunin sa impeachment, idinagdag ng pinakamataas na husgado ang determinasyon ng “probable cause” sa Kapulungan. Ito ang “tamang proseso,” ayon sa Korte Suprema.
Walang problema, ayon sa Kapulungan. Ito ang ginagawa ng Kapulungan at walang balakid na tinatalakay ng Committee on Justice na pinamumunuan ni Kin. Jinky Luistro ng Batangas kung may probable cause ang dalawang impeachment complaint na sumulong sa Kapulungan. Naunang nagdesisyon ang komite ni Luistro na naaayon sa sufficiency in form at substance ang dalawang reklamong impeachment laban kay Misfit Sara.
Ngunit hindi nakita ng kampo ni Misfit Sara na batay sa kasalukuyang proseso, sa Kapulungan ng mga Kinatawan mauunang ilalabas ang mga katibayan laban sa Misfit. Hindi sa Senado kung saan doon malilitis si Misfit Sara. Tatalakayin kahit sa Kapulungan pa lang ang mga ebidensya laban sa kanya.
Hindi mahirap isipin na itatali ang mga kamay ng mga manananggol ni Misfit Sara sa komite ni Luistro. Itatak sa isip ng publiko ang mga katibayan laban sa kanya. Dahil wala sa Senado ang malayang talakayan, hindi makapag-iingay ang mga kilalang tagasuporta ni Misfit. Walang Rodente Marcoleta, Alan Peter Cawatano, Tricky Tsis Escudero, at Babs Marcos na mag-iingay para sa kanyang panig. Hindi sila makakaporma dahil wala sa kanilang hapag ang talakayan sa mga katibayan sa impeachment ni Misfit.
Malinaw ang nakatakdang mangyari sa komite ni Luistro. Ayon kay San Juan City Kin. Ysabel Maria Zamora, hindi mababawasan ang impeachment proceedings laban sa Misfit kahit may petisyon ang kampo ni Misfit Sara sa Korte Suprema. Ayon kay Zamora, vice chair ng komite ni Luistro, ipagpapatuloy ng komite ang pagdinig upang malaman kung may “probable cause” ang mga reklamo.
“Ang proseso ay nakasaad sa Constitution, nakasaad po ito sa rules which we adopted at the start of this term. It’s the same rules that we adopted in the previous terms. Wala pong ipinagbago ‘yan,” ani Zamora sa kanyang pagharap sa Saturday News Forum sa Dapo Restaurant sa Quezon City. “In fact, in the previous impeachment complaints, ‘yan din po ang rules na ginamit nila. Why would we scale back just because a party is uncomfortable? That would be irresponsible on our part,” aniya.
Ayon kay Zamora, inasahan ng komite ang mga galaw ng kampo ni Misfit Sara. Kasama na dito ang reklamo na isinapa nila sa Korte Suprema. “Well, kaya nga siya may abogado. We expected her to do everything to question the proceedings before the Committee on Justice,” aniya. “Kaya nga sabi namin, expected naman na magkakaso siya sa Supreme Court.”
Niliwanag niya na istriktong sumusunod ang komite sa Saligang Batas at alituntunin na inilatag ng Kapalungan ng mga Kinatawan. “But we assure the public that we are doing everything that is dictated by the Constitution and by the rules.”
Ngunit nakikita ni Zamora na may sapat na boto upang isulong ang reklamong impeachment na nasa komite. “I believe we have the numbers,” aniya. “We need one-third or around 106, if I’m not mistaken. And I believe we have the numbers,” aniya.
Ipinaliwanag niya na mayroon kakampi na kumuwestiyon sa mga ebidensya pero ipinaliwanag niya na may sapat at dagdag na ebidensya na ihaharap sa komite. “I assured my colleagues, meron pong kaso,” aniya.
Ipinaliwanag niya na may mga mambabatas na bantulot, ngunit pagkatapos paliwanagan mukhang nakumbionsi sila na suportahan ang pagkilos ng komite. “Tama po. I admit that some may be dilly-dallyed. I admit that some congressmen have questions compared to last year. Well, of course, dahil paparating na nga po ang next elections,” aniya.
“Again, we admit nga po na this is a political process. But as we go along, I believe that our colleagues are seeing the cause that the members of the Committee on Justice are fighting for, ‘ika nga,” ani Zamora.
Nilinaw rin ni Zamora na ang talakayan sa pagdinig ng komite ni Luistro ay hindi “full trial” kundi bahagi ng proceedings upang malaman kung may “probable cause,” o dahilan upang litisin siya sa Senado bilang impeachment court.
“Well, under our rules nga po, it is a hearing, but it is also stated under our rules that we can ask questions. There are examination questions that we may propound as members of the House Committee on Justice. Again, it is a hearing for determining probable cause,” aniya. “Like in a preliminary investigation before a prosecutor, before a fiscal, the fiscal can ask clarificatory questions to the witnesses or to the complainant and the respondents. So ganoon din po ang ginagawa natin,” aniya.