Advertisers

Advertisers

Pinoy kabilang sa 13 nasawi sa banggaan ng trak at bus sa UAE

0 17

Advertisers

KINUMPIRMA ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Sabado na isang Pilipino ang kabilang sa 13 nasawi nang bumangga ang isang truck sa isang bus sa Ras Al Khaimah, United Arab Emirates (UAE).
Ayon sa Philippine Consul General sa Dubai at Northern Emirates na si Ambrosio Brian Enciso III, naabisuhan na ang Philippine Consulate General sa Dubai tungkol sa pagkakasangkot ng isang Pi-lipinong nasawi sa aksidente madaling araw ng Nobyembre 24, 2026.
“The Philippine Consulate General in Dubai has been notified of the involvement of one Filipino casualty in the vehicular crash that took place in Ras Al Khaimah, United Arab Emirates early 24 November 2026,” paha-yag ni Enciso.
Sinabi niyang nakikipag-ugnayan na ang konsulado sa pinakamalapit na kaanak ng biktima at tutulong sa pakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang awtoridad.
Tutulungan din ng konsulado na asikasuhin ang pagpapauwi sa Pilipinas ng mga labi ng nasawi.
Batay sa paunang imbestigasyon, galing Oman ang bus at may sakay itong 41 pasahero, karamihan ay sumasai-lalim sa proseso ng pagpapalit ng visa.