Advertisers

Advertisers

Pinoys ginawang sundalo sa Russia tukoy na ang kinaroroonan

0 19

Advertisers

TUKOY na ng gobierno ang kinaroroonan ng mga Pinoy na ni-recruit para maging sundalo sa Russia.

Ito yung video na nag-viral sa social media, na humihingi ng tulong kay Pangulong Bongbong Marcos upang kaagad silang maiuwi sa Pilipinas habang sila’y hindi pa naisasabak sa giyera ng Russia laban sa Ukraine.

Ang naturang mga Filipino, na umano’y nasa 30, ay nakasuot ng uniporme ng Russian soldier habang nasa isang training facilities.



Sinabi ni Palace press officer Claire Castro iniutos na ni Pangulong Bongbong sa DMW, sa pamumuno ni Secretary Hans Cacdac, sa pakikipagtulunagn ng DFA, DND at NBI, na saklolohan agad ang mga nalinlang na mga Pinoy.

Nagsasagawa narin ang gobierno ng law preventive operations sa nakalipas na lima hanggang anim na buwan, kabilang na ang entrapment operations ara maprotektahan ang mga biktima ng illregal recruitment.



Limang recruiters na umano’y nag-aalok ng military-oriented jobs sa ibang bansa ang kinasuhan na ng Department of Justice.

Karamihan sa mga na-recruit ay may mga backround sa military habang ang iba ay security guards na inalok ng malaking suweldo pero pagdating doon ay maliit lang ang kanilang natatanggap, at isasabak pala sa drones ng Ukraine. Araguy!!!



***

Nagsalita na naman si Interior Secretar Jonvic Remulla laban sa mga high-profile wanted persons na target nilang maaresto bago ang 2027.

Kabilang sa kanyang tinukoy sina Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, gambling tycon Atong Ang, at dating BuCor Director Colonel Gerald Bantag.

Ang tatlong ito ay nagtatago lamang daw dito sa Pilipinas. Si Bato, kinakanlong daw ng malaking armed group sa Mindanao; si Atong, palipat-lipat lang daw sa kanyang mga bigtime na kaibigang sabungero’t gambling lord; si Bantag, nagtatago sa kabundukan ng Benguet kungsaan malawak ang kanyang kamag-anakan.

Wish natin, matupad ang wish ni Jonvic para mabigyan narin ng hustisya ang mga biktima ng mga wanted personality na ito.

Just do it, Sec. Jonvic!

***

Nagpaliwanag si Senador Tobin Padilla sa kanyang pagwala sa session ng senado kamakailan. Ikinagalit niya kasi ang hindi pa pagpatupad sa malaking proyekto sa Bulacan para mapigilan ang malawakang pagbaha sa lalawigan.

Ang sinasabi pala ni Robin ay 2007 pang programa, si GMA pa ang pangulo, tapos si Noynoy, at si Tatay Digong nya.

Dapat nung pangulo ang Tatay Digong n’ya ay trinabaho na nila ito. Hindi iyong ngayon siya magwawala. Bugok talaga!!!