Advertisers

Advertisers

PNP naimbestigahan ang ‘di bababa sa 100 kaso ng online grooming sa kabataan

0 11

Advertisers

IBINAHAGI ni Philippine National Police (PNP) Chief, General Jose Melencio Nartatez Jr., na may naimbestigahan na silang hindi bababa sa 100 kaso ng online grooming sa mga kabataan mula sa Northern Luzon hanggang sa Mindanao.
Ayon kay Nartatez, kabilang sa mga kaso na ito ang mga insidente ng pamamaril sa loob ng mga paaralan kagaya ng nangyari sa Tacloban, Zamboanga at Banga, South Cotabato.
Dagdag pa ni Nartatez, tinatrabaho narin ng Anti-Cybercrime Group (ACG) ang pagtukoy kung konektado sa iisang grupo ang mga nabanggit na online groomers.
Ang pahayag na ito ng PNP ay kasunod operasyon ng ACG sa likod ng pananaksak ng isang 12 years old na estudyante sa dalawa nitong kamag-aral sa isang elementary school sa North Caloocan.
Nabatid na base sa inisyal na ulat, patungkol sa pambu-bully kaya nagawa ito ng nasabing menor de edad, ngunit ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla, may mga posibleng naka-impluwensya rito na mga groomer.
(Mark Obleada)