Advertisers
INIIMBESTIGAHAN ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang posibleng pagkakasangkot ng isang prominenteng personalidad sa politika sa Mindanao sa pagpatay kay Basilan Regional Trial Court Judge Joseph Wee Sit.
Ayon kay Police Major General Robert Morico II, direktor ng CIDG, sinisiyasat ng mga awtoridad ang pagpopondo ng naturang pulitiko sa sasakyang ginamit ng mga suspek sa krimen.
Natukoy narin ng mga imbestigador ang sasakyan, ang may-ari nito at ang taong nagpondo sa pagbili nito.
Gayunman, hindi pa inilalantad ng pulisya ang pagkakakilanlan ng personalidad na iniimbestigahan.
Sinusuri rin ng CIDG kung may kaugnayan ang pagpatay sa mga kasong hinawakan ng nasabing hukom na kinasasangkutan ng ilang personalidad sa politika, kabilang ang isang vice mayor at iba pang indibidwal na may mga nakabinbing warrant of arrest.
Ayon kay Morico, ilang personalidad sa politika ang pinadalhan na ng subpoena upang magbigay-linaw sa insidente.
Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang buong pangyayari, posibleng motibo at iba pang indibidwal na may kaugnayan sa pagpatay sa hukom.