Advertisers
DINAKIP ng mga pulis sa Kabacan, Cotabato noong Miyerkules, Nobyembre 25, ang kontrobersyal na alkalde ng Nabalawag, Bangsamoro Special Geographic Area (BSGA), kasama ang kanyang kapatid na kapwa nahaharap sa mga kasong may kaugnayan sa karahasan.
Ayon sa mga lokal na opisyal, kusang sumuko sina Mayor Renz Tukuran at ang kanyang kapatid na si Datu Pia Maisalat Tukuran sa mga awtoridad ng Kabacan Municipal Police Station nang malaman na naglabas ng warrant of arrest si Judge Ysnaira Ibrahim ng Regional Trial Court (RTC) Branch 13 sa Cotabato City nitong Martes.
Kinumpirma ng mga lokal na opisyal at mga miyembro ng Cotabato Provincial Peace and Order Council na nakalaya na ang magkapatid nang makapaglagak ng kaukulang piyansa para sa kanilang mga kasong kinakaharap sa korte.
Nahaharap ang dalawa sa mga kasong murder, frustrated murder, at iba pang kasong may kaugnayan sa consummated, frustrated at attempted felonies, bunsod ng umano’y pagkakasangkot sa mga naganap na karahasan sa Nabalawag.
Ang Nabalawag ay isa sa walong bagong tatag na ba-yan sa Bangsamoro Special Geographic Area na nasasa-kupan ng Bangsamoro regional government, ngunit matatagpuan sa teritoryo ng Cotabato sa ilalim ng Region 12.
Ayon sa ulat, ilang beses nang nasangkot sa madudu-gong sagupaan ang mga armadong tagasuporta ni Tukuran at ang isa pang armadong grupo nitong mga nakaraang buwan.
Nagresulta ang mga insidente sa pagkasawi ng ilang indibidwal sa magkabilang panig at sapilitang paglikas ng daan-daang pamilyang Moro.
Nauna naring naglabas ng warrant of arrest laban kay Tukuran ang isang espesyal na korte na humahawak sa mga kasong terorismo sa Region 10.
Gayunman, iniulat na pansamantalang sinuspinde ang pagpapatupad nito sa mga kadahilanang hindi pa malinaw sa mga lokal na opisyal at media community sa Bangsamoro region.