Advertisers

Advertisers

Pergalan Queen Donya Tessie binatikos ang media, wow bigatin ang engkargado ng PNP R-4A?

0 23

Advertisers

Kung ano ano palang mga masasakit na salita na pambabatikos sa hanay ng mga Media ang buong tapang na ipinapakalat nitong si Pergalan Queen Donya Tessie sa mga miyembro ng kapulisan partikular sa mga hepe at maging sa Provincial Director ng buong PNP CALABARZON.

Nakarating sa kaalaman ng Usapang HAUZ ang mga katagang pinagsasabi nitong si Donya Tessie na kesyo ang mga Media ay sobrang matatakaw na tila ang gusto ay sila lang ang ipaghanapbuhay sa ilegal na sugalan sa loob ng Peryahan.

Mas masahol pa umano sa mga Lingguhang parating sa ilang tiwaling opisyal ng PNP ang gusto ng Media na yung tipong malakihan kapalit ng hindi pagrereport ng ilegal na sugalan.



May nakarating na impormasyon sa Usapang HAUZ na may mga concern citizen ang personal na nagtungo sa tanggapan ng Binan PNP upang ipagbigay alam ang talamak at lantarang sugalan sa Pergalan dyan sa may Organic Farm, Brgy. Dela Paz na isang Rommel ang katiwala nitong si Donya Tessie, ups meron pa pala sa Brgy. Langkiwa.

Sa madaling salita agad namang umaksiyon ang Binan PNP sa sumbong kung kaya’t pinatigil ang sugal na color game, drop ball at iba pa very good! subalit ng balikan ng grupo ang lugar ay muling nag operate ang ilegal na sugalan dahil sa utos umano ni Donya Tessie



Huwag na nating tanungin ang hepe ng Binan PNP at iderekta na ng mga Ka Usapang HAUZ kay Laguna PNP Provincial Director PCOL. Sandro Jay Tafalla ang order nitong si Donya Tessie na muling buksan ang isinarang Pergalan, Sir tanong lang po gaano ba kalakas itong si Donya Tessie at mayroong mandato na magutos na tila balewala ka?

Muli nais iparating ng Usapang HAUZ sa magiting na PNP Region 4-A Director Gen. Baccay ang impormasyon nakalap na isang Donya Tessie umano ang siyang Engkargado sa Calabarzon pagdating sa Pergalan ang Perya con Sugalan, gaano ito katutuo sir?



Ipinagmamalaki nitong si Donya Tessie na siya ang nagbibigay ng masaganang ani mula sa mga Pergalan sa mga tiwaling opisyal na nakatalaga sa Calabarzon yung tipong busog ang bulsa to the max?

Bigyan natin muli ng impormasyon mga Ka Usapang HAUZ ang magiting na PNP Region 4-A Director Gen. Baccay, sir sa Lalawigan ng Batangas ang lugar ng Lipa sa Barangay San Sebastian Balabag isang Alias Joel na sinasabing anak ni Donya Tessie ang siyang namamahala sa Pergalan bukod pa ang Brgy. Mabini na isang Alias Boyet ang siyang nangangalaga, Brgy. Antipolo at Brgy. Sabang na pawang pagaari ang Pergalan dito ni Donya Tessie.

Sa Bayan pa rin ni Gov. Vilma Santos Recto, sa may Ibaan Bayan, isa namang Tatay Larry na sinasabing malapit kay Donya Tessie kaya nagkaroon ng pagkakataon na makapuwesto habang sa Laurel Bayan ay si Marie na taga Bulacan ang siyang katiwala ng Perya na may Sugalan.

“Ako lang ang may kapangyarihan na makapagbubukas ng Pergalan dito sa Lalawigan ng Batangas at Laguna” yan sir PBGEN Baccay ang bukang bibig ng Engkargadong si Donya Tessie?

Balik tayo mga Ka Usapang HAUZ sa batikos nitong si Donya Tessie sa Media, tanong lang po sigurado ka bang legit media ang humihinge sayo at kung makapagsalita ka Donya Tessie ay lampas sa langit, kaya ang Usapang HAUZ ay hinahamon ang magiting na PNP Regional Director PBGEN. Baccay na patunayan mo na hindi konektado itong si Donya Tessie na sinasabing Engkargado ng intelehensiya sa iyong tanggapan tanong lang po?

***

Para sa Inyong Puri at Puna maaaring mag-email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o mag text or tumawag sa 09352916036