Advertisers

Advertisers

PABAYANG PET OWNERS SA MAYNILA, MANANAGOT — MAYOR ISKO

0 7

Advertisers

Mahigpit ang paalala ni Mayor Isko Moreno sa mga pet owners sa Maynila na huwag maging pabaya sa kanilang mga alagang aso.

Aniya, dapat siguraduhing nasa loob ng bakuran o bahay at hindi pinababayaang gumala sa mga kalsada ang mga alaga.

Ang paalala ay ginawa ni Moreno kaugnay ng naganap na insidente ng pamamaril sa 4th Street, Barangay 810,Paco, Maynila nitong Nobyembre 24, 2026.



Nagsimula ito nang habulin ng aso ang dalawang bata na nagbibisikleta.

Natakot ang mga bata hanggang sa mawalan ng balanse at matumba ang bisikleta at dun na kinagat sa binti ang isa sa kanila.



Sumaklolo ang isang lalaking sakay ng motorsiklo at nakipag-usap sa may-ari ng aso para sa pagpapagamot ng mga bata, ngunit nauwi ito sa mainitang pagtatalo at suntukan.

Nagkapikunan at nagbuno ang dalawa kahit may barangay tanod nang namamagitan at umaawat



Ayon sa CCTV at pulisya, tinangka umanong saksakin ng me ari ng aso ang rider.

Bumunot ng baril ang rider at at namaril, hanggang sa tamaan ang 36-anyos na pet owner.

Nagtamo ng tama ng bala sa kaliwang tiyan at kaliwang braso ang pet owner. Dinala pa siya sa ospital ngunit idineklarang patay pagdating sa pagamutan. Ayon sa barangay, hindi mga residente ng lugar ang dalawang bata at ang rider.

Sumuko naman ang rider matapos ang insidente at ayon sa pulisya, posibleng pumasok sa ‘self-defense’ o pagtatanggol sa sarili ang pamamaril matapos umanong tangkaing saksakin ng may-ari ng aso ang rider.

Sabi ni Moreno: “Tandaan, kapag pinabayaan ang ating mga alaga, maaari silang makakagat, lalo na kung hindi bakunado… at magdulot ng panganib sa kalusugan at alitan sa inyong mga kapitbahay o komunidad.” Tiinitiyak niya na patuloy na ipatutupad ng pamahalaang-lokal ang mga ordinansa laban sa pagpapabaya sa mga alagang hayop sa pamamagitan ng Manila City Pound.

“Maging responsableng pet owner. Ang pag-aalaga ay may kaakibat na pananagutan,” pagbibigay-diin ni Moreno. May umiiral kasi na ordinansa sa Maynila na nagpaparusa sa mga iresponsableng pet owner ng hanggang P3,000 na multa at hanggang tatlong buwan na pagkakulong.

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.