Advertisers

Advertisers

MISTER ‘DI PINAKAIN NI MISIS, SINUNOG KANILANG KUWARTO

0 11

Advertisers

SINILABAN ng isang mister ang kanilang kuwarto nang makipagtalo sa kanyang misis na tumangging maghain ng pagkain dahil sa pagod mula sa trabaho sa Purok Mangga, Barangay Sicsican, Puerto Princesa City.
Ayon kay Barangay Kagawad Mark Ello, umuwing lasing ang mister at nagalit nang hindi siya mapaghandaan ng pagkain ng kanyang misis.
Sa gitna ng pagtatalo, nagbasag at nagkalat ng mga gamit ang lalaki bago sinilaban ang kanilang kuwarto.
Agad namang rumesponde ang mga opisyal ng barangay, mga barangay tanod at mga kapitbahay.
Mabilis ding naapula ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang apoy, bagama’t napinsala ang ilang kagamitan sa loob ng bahay.
Ayon kay SFO1 Paolo Lomanang ng City Fire Station, pinag-aaralan na ng City Prosecutor ang posibleng ikaso sa lalaki, kabilang ang arson at paglabag sa Violence Against Women and Children.