Advertisers

Advertisers

Visor, tinangay P50M kita ng gasolinahan

0 4

Advertisers

Kulong ang isang gas station supervisor na nakatangay ng P50 milyong cash nang masakote ng mga operatiba ng Manila Police District sa Paranaque City nitong Martes ng hapon.
Sa bisa ng warrant of arrest n inilabas ni Manila Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Richelle Lou S. Boling-Sanchez ng Branch 47 , nahaharap sa kasong Qualified Theft ang 35-anyos na akusado na nagtatrabaho sa isang kompanya sa nasabing lungsod .
Napag-alaman mula kay Elizabeth Solis, kinatawan ng gas station na nasa Taft Avenue, Manila, na Marso ng nagdaang taon pa naglabas ng warrant of arrest ang korte nang magtago ang akusado.
Ayon pa kay Solis, tumagal ng isang taon ang ginawang panloloko ng akusado sa gas station na kanyang pinaglilingkuran kaya umabot sa kabuuang P57 milyon ang kanyang natangay sa pamamagitan ng pamemeke sa deposit slip ng bangkong pinaglalagakan ng benta ng gas station.
Nagagawa umanong mapeke ng akusado ang deposit slip para palabasing naideposito ang kita ng gas station pero sa katunayan, nakulimbat na nito ang malaking halaga. (Jocelyn Domenden)