Advertisers

Advertisers

Lalaki nakabisikleta patay nang sumalpok sa kotse

0 233

Advertisers

Patay ang isang lalaking nagbibisikleta nang bumangga sa nakaparadang kotse sa Sta. Cruz, Maynila nitong Huwebes.
Kinilala ang biktima na si Adelino Pagtama, tinatayang nasa 40-50 taong gulang.
Samantala, sumuko naman ang suspek na si Emmanuel Mateo, driver ng trailer truck na may plakang ABC-7376.
Sa ulat, binabaybay ni Pagtama ang Antipolo Street lulan ng bisikleta at kumapit ito sa kasunod nitong trak para bumilis ang takbo ala-1:00 ng hapon.
Ayon sa report, pagdating sa kanto ng Ipil St., hindi napansin ng biktima ang nakaparang kotse sa kalsada kung saan tumilapon ito na agaran niyang ikinamatay.(Andi Garcia/Jocelyn Domenden)