Advertisers

Advertisers

2 dating pulis swak sa kasong kidnapping

0 452

Advertisers

Nahaharap ang dalawang dating pulis sa kasong Kidnapping nang dukutin ng mga ito ang isang Chinese national Huwebes ng gabi sa Pasay City.
Kinilala ang mga suspek na sina Eduardo Cayabyab, 48, nakatira sa #19 Dalisay St., Plainview, Mandaluyong City, dating nakatalaga sa Tawi-Tawi Police Provincial Office; at Edward Gacutan, 32, dating nakatalaga naman sa Bataan, Provincial Police Office.
At ang biktima kinilalang si Huana Jin Hua, 30, walang trabaho, pansamantalang nanunuluyan sa room 70, SOGO Hotel, panulukan ng FB Harrison at EDSA, Pasay City.
Sa report, naganap ang insidente 6:45 ng gabi sa FB Harrison Extension ng nabanggit na lungsod.
Nabatid, naka-eskort ang mga suspek sa mga biktima at nagpakilala ang mga itong pulis, na hindi naka-uniporme at walang face shield.
At isinakay nila ang biktima sa isang JA Taxi na may plakang ABH-1552 at kanilang tinutukan.
Nagkaroon ng pagkakataong makatakas ang biktima hanggang sa sumakay ito ng taxi at dumiretso sa tinutuluyan nitong hotel.
Ngunit nasundan ng mga suspek ang biktima at inagaw ng mga ito ang dalang knapsack bag ng biktima.
Ayon sa report, ang front desk ng nabanggit na hotel ang tumawag sa mga otoridad na nagresulta nang pagkakadakip sa mga suspek.
Bukod sa kasong Kidnapping nahaharap din ang mga suspek sa kasong Usurpation of Authority, Use of Uniform and Insignia, Theft, Illegal Possession of Firearms and Ammunition.(Gaynor Bonilla)