Advertisers

Advertisers

2 DAGDAG NA PRESINTO NG MPD, BUBUKSAN

0 359

Advertisers

MAGLALAGAY ng karagdagang dalawang presinto ang Manila Police District (MPD) na ilalagay sa lugar ng Tondo at Port Area sa Maynila.

Pinangunahan nitong Miyerkules ng umaga nina Manila Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna ang activation ng dalawang bagong presinto na Police Station 12 na ilalagay sa DelPan, Tondo at PS 13 na ilalagay naman sa Baseco, Port Area sa isang seremonya na ginanap kahapon sa Quirino, Grand stand.

Nabatid sa MPD na itinalaga sina PLt. Col Evangeline Martos bilang station commander ng PS 12 at PLt.Col. Rolando Bumagat bilang station commander ng PS 13.



Ayon kay MPD Director PBGen. Rolando Miranda, naglagay ng karagdagang presinto ang Philippine National Police (PNP) para matutukan ang mga nagaganap na krimen sa mga lugar na maraming tao.

Nabatid na ang PS 1 at PS 2 at ang PS 11 ang dating nangangasiwa sa mga nabanggit na lugar.

Nalaman na hindi lamang ang Maynila ang dinagdagan ng presinto ng PNP kundi maging ang Lungsod ng Quezon. (Andi Garcia)