Advertisers

Advertisers

20 BI personnel kinasuhan sa ‘pastillas’ scheme

0 266

Advertisers

SINAMPAHAN na ng National Bureau of Investigation sa Ombudsman ng reklamo ang 20 tauhan ng Bureau of Immigration (BI) kaugnay sa kontrobersyal na ‘pastillas’ scheme.
Kinumpirma ni NBI PIO Nick Suarez na nitong Martes isinampa ang reklamo laban sa nasabing personnel na sangkot sa illegal airport escort service.
Ang pagsasampa ng kaso ay matapos ang ilang buwan na pag-iimbestiga ng NBI sa mga tauhan ng BI na sangkot sa nasabing modus.
Modus umano ng mga BI personnel na palusutin ang Chinese nationals sa bansa kapalit ng libo-libong halaga bawat isa.
Matatandaan na isiniwalat ni Senador Risa Hontiveros ang sheme kungsaan karamihan sa Chinese nationals na ito na gustong magtrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) ay binabayaran ang bawat immigration personnel sa NAIA terminal 1 ng halagang P8 ,000 hanggang P10,000. (Jocelyn Domenden)