Advertisers
UMAKYAT na sa 226,440 ang kabuuang bilang ng Covid-19 sa bansa ayon sa datos ng Department of Health (DOH).
Sa case bulletin no. 172 ng DOH nitong Miyerkules, Sept. 2, nasa 2,218 ang nadagdag sa kabuuang kaso ng nakamamatay na sakit.
Nasa 64,207 naman ang aktibong mga kaso.
Sa nasabing bagong kaso, 1,932 ang naitala sa loob ng nagdaang dalawang linggo mula August 20 hanggang September 2.
Ang NCR pa rin ang may mataas na naitalang kaso sa loob ng nagdaang dalawang linggo kung saan mayroon itong 1,016, sinundan ng Region 4A na may 295 at Region 6 na may 130.
Pumalo na rin sa 158,610 ang total Covid-19 recoveries dahil sa 609 pang pasyente na gumaling sa sakit.
Habang 27 ang nadagdag sa mga nasawi dahilan para umabot na sa 3,623 ang pumanaw sa Covid-19.
Sa nasabing karagdagang bilang, 25 ang pumanaw noong August, at tig-1 naman noong June at May.
Ang 10 sa mga pumanaw ay mula sa NCR, 8 sa Region 4A, 4 sa Region 6, 2 sa region 3, at tig-1 naman sa region 3, 7, 8 at isang di batid na rehiyon.
Inalis naman sa total case counts ang 42 duplicates kung saan 10 rito ang recovered cases at 1 death. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)