Advertisers
INIUTOS na ng Olongapo Regional Trial Court (RTC) ang pagpapalaya kay US Marine Joseph Scott Pemberton.
Magugunitang si Pemberton ang pumatay kay Jennifer Laude noong 2014.
Sa utos ng korte, pinapalaya si Pemberton dahil sa bisa ng good conduct time allowance (GCTA).
Samantala, kaagad naman naghain ng motion for reconsideration ang kampo ni Laude upang harangin ang pagpapalaya kay Pemberton.
Maging si Presidential spokesman Harry Roque, na naging bahagi ng legal team ng pamilya Laude ay dismayado sa desisyon ng korte.
Aniya, ang pagpapalaya kay Pemberton ay tila pagpatay sa soberanya ng Pilipinas. (Jonah Mallari)