Advertisers
INILAHAD ng NEDA na nasa 7.5 milyon na trabaho ang naibabalik na nitong Hulyo dahil sa pagluwag ng mga quarantine restrictions base na rin sa isinagawang labor force survey.
Ito ang kinumpirma ni NEDA Director General Karl Kendric Chua nitong Huwebes, Setyembre 3.
Ayon pa kay Chua, kabilang sa may pinakamalaking kontribusyon ay sa imprastruktura na lilikha hanggang 1.1 milyon jobs ngayong taon kasama na ang multiplier effects.
Binigyan diin ni Chua na inaasahan nilang magpapatuloy ang ganitong trend habang niluluwagan ang mga quarantine restrictions lalo sa public transportation at nakakabalik na sa trabaho ang mga hindi nakakalabas para pumasok sa pinapasukang kompanya o establisyimento.
Nanawagan si Chua sa publiko na sumunod sa mga ipinapatupad na health protocols.
Matatandaanna batay sa mga ulat, milyon-milyong manggagawang Pilipino ang nawalan ng trabaho mula sa Marso kasunod ng mga ipinapatupad na community quarantine o lockdown. (Josephine Patricio)
***