Advertisers

Advertisers

12-anyos nagpaalam mag-computer ni-rape na, pinatay pa

0 355

Advertisers

BRUTAL na pinatay at ginahasa ang 12-anyos na babae ng pinagkakatiwalaan kapitbahay sa bayan ng Rosario, Cavite.
Itinago ang biktima sa pangalang “Louiza”, 12.
Nakatakas at pinaghahanap na ang salarin na kinilalang si Erly Arguelles, 37, residente ng Dreamland, Brgy. Muzon sa nasabing bayan.
Sa report, 6:30 ng umaga nitong Setyembre 1 nang matagpuan ang bangkay ng biktima na nakalibing sa harap ng pintuan ng bahay ng salarin.
Ayon sa tiyahin ng biktima na si Julie Anne Alano, 7:00 ng gabi noong Agosto 30 nang mawala ang kanyang pamangkin.
Bago ang insidente, kasama ng bata ang kanyang ina na si Chona na nagpunta sa isang burol, hindi-kalayuan sa kanilang bahay.
Makalipas ang ilang minuto, nagpaalam ang bata sa ina na magko-computer sa bahay ng isa pa nilang kaanak kaya pinayagan naman ito.
Nagtaka ang ina ng bata dahil halos ilang oras na, hindi pa rin bumabalik ang anak kaya nag-aalala na siya at nagsimula na silang maghanap.
Unang pinuntahan ang bahay ng salarin dahil alam nilang malapit ito sa bata subalit mariing itinanggi ng salarin na nagpunta sa kanya ang biktima.
Kinaumagahan ng Lunes, ilang residente ang nakapagsabi na nakarinig sila ng iyak sa loob ng bahay ng salarin at humihingi ng tulong kaya agad silang nag-report sa barangay at pulisya saka ipinadampot si Arguelles.
Lumipas ang 24-oras, pinakawalan ang salarin sa kawalan ng ebidensya.
Sa report, 6:30 ng umaga ng Martes, Setyembre 1, kinatok nilang muli ang bahay ng salarin subali’t walang sumasagot hanggang sa may naamoy sila na masangsang mula sa pintuan.
Napansin nila ang isang sako ng buhangin na nakapatong kaya kanilang itong tinanggal hanggang sa bumulaga sa kanila ang nakabaon na bangkay ng biktima.
Nagsumbong na rin ang 10-anyos na kapatid ng biktima na nakita niya ang kanyang ate na inutusan ng salarin na bumili ng yelo.
Patuloy na pinaghahanap ang salarin upang masampahan ng kaukulang kaso.(Irine Gascon)