Advertisers

Advertisers

PBA bubble?

0 295

Advertisers

Napakadetalyado ng panukala ni Assistant Coach Richard del Rosario ng Barangay Ginebra hinggil sa PBA bubble na late May pa niya sinusulong. Komo maraming oras ang ex-player dahil sa bahay lang siya tulad ng marami sa atin ay napag-aralan niyang mabuti ang sitwasyon. Ito ang kwento sa atin ng PBA tv panelist din at nagdribol noon para sa La Salle. Naging panauhin natin siya nitong Lunes sa ating palatuntunang OKS@DWBL na may streaming din sa FB Live at You Tube.

Unang punto ng 1996 No.9 over-all pick ay patest lahat sa COVID19 mga lalahok at ang positibo ay paospital o paqauarantine. Yung negatibo naman kasali sa restart. Magkakaroon ng sari-sariling training facility at quarters ang bawa’t koponan. Dalawang beses sa isang araw ang ensayo para halos isang buwan na rin ang kabuuan. Siyempre may disinfection bago at pagkatapos ng praktis.

Araw-araw ang mga game at apat na laro na hahatiin sa dalawang gym. Pwede raw sa Upper Deck, Moro Lorenzo Gym o Ronac Arts Center kasi wala naman daw audience.



Nakapagsaliksik rin siya kung paano pababain ang gastusin.

“Tuwing isang linggo na lamang ang linisan at palit ng gamit sa hotel na titirhan ng mga team, ” eka ng host ng The Huddle sa PBA Rush.

Limitado rin ang pesonnel kada koponan. 12 cager, 1 head coach, 1 assistant, 1 physical therapist at 1 team manager.

Ang iba pa sa venue na papayagan ay 3 referee, 3 table official, 2 PBA official, 2 GAB official at 4 television crew member.

Sa isang buwan ay mairaraos na ang single round elims, playoffs at finals.



Kaso noong panahon na nilatag niya ito ay walang naging aksyon ang liga. Mayroon pa nga siyang narinig na mga biro at pang-aalaska. Kusa niya ito at nais lamang maka-ambag sa pagbalik ng liga. Inaamin niya na hindi perpekto ang plano at welcome raw lahat ng ibig pang magsuhestiyon/

Nito na lamang nakita ng Board of Governors na maayos ang takbo ng NBA sa ESPN, Disneyworld ay saka nagkokonsidera sila ng ganitong set-up. May ulat na handa raw isang grupo na tustusan ito sa Middle East. Pwede rin daw sa Baguio, Subic o Palawan. Para kay Coach Yeng Guiao ay pinakamainam sa Metro Manila.

Saludo tayo sa malasakit sa PBA ng 6’5 center noon sa Purefoods at Alaska.

Pagkaretiro bilang basketeer, naging sportscaster at ngayon nga ay coaching staff. Dahil sa malawak niyang karanasan ay nasa posisyon siyang bumalangkas ng ganireng palatuntunan para sa kauna-unahang pro league sa Asya.

Mabuhay ka Richard del Rosario!

***

Namemeligro muli ang numero unong team sa NBA na hindi makarating sa Finals. Noong isang taon ay naharang sila ng Raptors sa Eastern Conference Finals. Lamang na sila ng 2-0 nguni’t natalo sila ng apat na sunod ng nagkampeon na Toronto.

Ngayon 0-2 sila sa semis kontra sa Heat. Kailangan sila naman maka-4 straight W sa Miami para makausad. Kung hindi ay mafrufrustate na naman magkampeon si Giannis Antetokounmpo. Kung ganoon nga mangyari ay lilipat na sa free agency ang The Greek Freak para maisakatuparan ang pangarap. Ayon kay Ka Berong maaari raw sa Golden State, Miami at Toronto. Tingnan natin.