Advertisers

Advertisers

Up up da Gil!

0 10

Advertisers

” 3 lang kami noon nina Mon Fernandez, Ompong Sigura at ako ang natutulog sa Toyota quarters sa Makati kasi kami lang mga binata pa noon, ” eka ni Gil Cortez noong Lunes sa OKS@DWBL.

“Pero sabay-sabay kaming lahat kumakain doon tapos sakay kami ng coaster papunta sa ensayo sa Colegio San Agustin Gym o game sa Araneta Coliseum,” dagdag ng 6’4 na tubong- Amgeles City.

Yan at iba pang kwentong-Toyota days ng kauna-unahang PBA Rookie of the Year awardee.



Kasama sa naturang panayam sa OKS bilang co-host si Lito Cinco ng People’s Tonight.

Ang tinatawag nilang Toyota HQ ay nasa Bel- Air sa Makati bago nalipat sa San Lorenzo sa pareho ring siyudad.



Kumpleto raw sila sa gamit sa bahay at may swimming pool pa ang lugar.

Kung minsan lumalabas din daw silang mga magkakampi para magdisco at magrelax.



Bale isang kamag’anak ni Gil na kaibigan ni Ricky Silverio ng Delta Motors Corp, may hawak ng pangunahing car brand sa Pinas, ang nagdala sa kanya doon.

“Tamang-tama na limitado na minuto ni Big Boy Reynoso sa koponan pagpasok ko kaya nabigyan akong playing time bilang forward-center,” diin ng Kapampangan

Si Mon F. naman ay naging teammate niya sa isang liga sa Pampanga kaya pamilyar siya sa istilo ng 4x MVP ng PBA.

Hayun kampante sa Super Corollas at nailabas ang tunay na laro.

Ilan sa kasabayan niya na umqkyat sa pro league ay mga galing kolehiyo na sina Rudy Hines at Reynaldo de Vera pati ang mga beteranong late napunta sa PBA na sina Freddie Webb at Elias Tolentino.

***

Bakasyon na ang Lakers. Na- 4 to 1 sila ng Timberwolves. 2x sila natalo sa homecourt na Crypto. com kaya bale wala ang advantage nila sa #3 seed kontra sa 6th placer na Minnesota.

Hindi nga pumutok si Anthony Edwards pero pumukpok ng husto ang seven-footer na si Rudy Gobert sa ilalim. Naka-27 na puntos at 24 na rebound ang sentro ng Wolves. Walang pantapat si JJ Redick sa ilang ulit naging Defensive Player of the Awardee. Best game niya yan sa playoffs.

Talagang kitang-kita kakulangan ng LAL sa gitna. Daming alley oop at put back ng Frenchman.