Advertisers

Advertisers

BARANGAY OFFICIALS SA MAYNILA SANGKOT SA ‘JUMPER’ NG KURYENTE

0 3

Advertisers

INIHAYAG ng Meralco na may ilang opisyal ng barangay sa Maynila na gumagamit ng ilegal na koneksyon ng kuryente at nagiging hadlang pa sa kanilang anti-pilferage operations laban sa mga lumalabag sa batas.
Lumutang ang isyu sa consultative meeting sa Manila City Hall, kungsaan sinabi ng mga kinatawan ng Meralco kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na may mga opisyal ng barangay na hindi lamang gumagamit ng ilegal na koneksyon sa kanilang sariling tahanan kundi humaharang pa sa operasyon ng kanilang mga tauhan.
Dahil dito, inatasan ni Domagoso ang Manila Police District (MPD) na ti-yaking ligtas ang mga tauhan ng Meralco habang nagsasagawa ng anti-pilferage operations laban sa mga ilegal na koneksyon sa kuryente.
Nag-utos din ang alkalde sa pamahalaang lungsod na ma-kipag-ugnayan sa mga barangay bago ang bawat opera-syon upang matugunan ang mga isyu sa access at right-of-way, kasabay ng pagbuo ng isang real-time coordination channel sa pagitan ng City Hall, MPD, at Meralco upang mapabilis ang komunikasyon sa oras ng operasyon.
Samantala, hiniling din ni Domagoso sa Meralco na agarang aksiyunan ang mahigit 12,000 sira at nakatagilid na poste ng kuryente sa buong Maynila, matapos matukoy sa ArcGIS mapping ng lungsod na mahigit 6,000 poste ang sira at mahigit 6,000 pa ang nakatagilid na posibleng magdulot ng panganib sa publiko. (Jocelyn Domenden)