Advertisers

Advertisers

‘COVID-19 ‘curve’ sa Pilipinas flattened’

0 255

Advertisers

KUMPIYANSA ang isang local researchers na “flattened” na ang tinatawag na “curve” ng pandemya.
Sinabi ni Prof. Guido David na bumaba pa sa 0.94 ang reproductive rate (R-Naught) ng COVID-19 sa bansa, mula 0.99 na datos nito noong nakalipas na Linggo.
Ayon kay David, ang ibig sabihin daw ng naturang development ay napapanatili ng estado ang flattening of the curve o mabagal na pagkalat ng sakit.
Ginagamit ang termino na R-Naught para sukatin ang pagkalat o transmission ng sakit mula sa isang infected na tao.
Bukod sa bumagal na reproductive number ng coronavirus, bahagyang bumaba na rin daw ang positivity rate ng bansa.
Nabatid na nasa 3k na lang ang naitala ng Department of Health( DOH) na COVID-19 cases nitong nakaraang araw mula sa higit 4k naitala nitong nakalipas na Linggo. (Josephine Patricio)