Advertisers
PINURI nang bonggang-bongga ng netizens ang pagiging prangka at totoo ni Jessy Mendiola.
Hindi kasi nito ikinaila na hirap siya sa English.
Pero sa tulong ng kanyang dyowaer na si Luis Manzano ay natuto.
Kailangan daw nitong magpursige na matutunan magsalita ng English.
Sa kabila na nose bleed at nagdurugo ang ilong nito sa pagsasalita ng English ay go pa rin ang dalaga.
Improving naman dahil sa kanyang lifestyle show na Fit For Life sa TV 5 ay okay ang pagho-host ni Jessy.
Thankful naman ito sa pag- asiste ni Luis sa pagtitiyaga sa kanya na maturuan ng english.
Marami ring nagulat na followers ni Jessy dahil mahusay ito sa kanyang hosting job sa TV 5.
***
Anjo Yllana nahirapang magpaalam sa Eat Bulaga
SA mahigit dalawang dekada sa number one noontime show sa bansa, ang Eat Bulaga, aminado si Anjo Yllana na nahirapan siya sa pagpapaalam sa longest- running noontime show.
Nagkataon kasi ng pandemic kaya hindi ito personal na nakapagpaalam kay Mr.T. o Tony Tuviera na producer ng EB.
Pero may basbas umano ng ibang bossing at dabarkads ang pagpapaalam nito dahil sa bagong programa nito sa Net 25.
Isang noontime show din kasi ang iho-host ng comedian na katapatan ng Eat Bulaga. Gayunman, hindi naman tinuturing ng actor- politician na kakumpetensya ang noontime show na pinanggalingan niya.
Hindi naman masisisi si Anjo kung hirap ito sa pagpapaalam sa EB dahil umabot din siya rito ng lampas dalawang dekada.
Well, well, well…”Yun na! (Jovi Lloza)