Advertisers
TINATAYANG nasa P3.5 milyon halaga ng shabu ang nasabat sa magkahiwalay na buy-bust operations sa Quezon City nitong Linggo, Setyembre 6.
Kinilala ang mga naaresto na sina Arnel Corre, 24, delivery boy; at Dionesio Infante, 23, Grab driver; kapwa residente ng Barangay Batasan Hills, Quezon City.
Sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), naaresto ang dalawa sa Barangay Batasan Hills at nakuha sa mga ito ang nasa higit P3.4 milyon halaga ng shabu.
Samantala, arestado ang isang alyas “Jaypee,” itinuturing na top drug personality sa listahan ng QCPD sa Barangay Pasong Tamo, kungsaan nakuhanan ito ng P170,000 halaga ng shabu.(Boy Celario)