Advertisers
GINAHASA ang 11-anyos na babae ng isang lalaking napadaan lang sa kanilang barangay sa San Carlos City, Pangasinan.
Naaresto ang suspek na 42-anyos, residente ng Barangay Dumpay sa Basista, Pangasinan, pero itinanggi nito ang paratang.
Sa ulat, sinabi ng biktimang itinago sa pangalang “Jenny” na nagtungo siya sa isang manggahan na ilang metro lang ang layo sa kanilang bahay sa Barangay Cobol para manguha sana ng bunga ng prutas.
Ayon sa report, lumapit sa kanya ang suspek at dinala siya sa isa pang manggahan at doon siya pinagsamantalahan.
Inihahanda na ang kaso laban sa naarestong suspek.(Ace Ramales)