Advertisers

Advertisers

P6.8M shabu nasamsam sa 2 babaeng tulak

0 469

Advertisers

Arestado sa P6.8 million shabu ang dalawang babae sa Barangay Subangdaku, Mandaue City sa Cebu nitong Huwebes.
Kinilala ang mga suspek na sina Kris Yamas Orlanda, 34; at Elsie Caranzo Danlag, 26.
Nakatakas ang isa namang kasabwat na kinilalang si Psyche Gonzales Hortelano.
Ayon kay Police Maj. Vernino Noserale, hepe ng Consolacion Police Station, hindi nagbebenta ang mga suspek ng tingi-tingi at gusto ng mga ito na bulto-bulto ang bilihan ng mga parokyano nil;a.
Nasamsam sa dalawang suspek ang may 1,010 gramo, o isang kilo at 10 gramo ng shabu na nagkakahalaga P6,868,000.
Inihahanda na ang kaukulang kaso laban kina Orlanda at Caranzo.(Ace Ramales)