Advertisers

Advertisers

4 Nigerian dawit sa pag-hack, pagnanakaw sa bangko

0 290

Advertisers

IPINAHAYAG ng National Bureau of Investigation ngayong Sabado, Setyembre 9 ang pagkakaaresto sa apat na Nigerians na sangkot sa hacking ng ATM at credit cards.
Kinilala ang 4 na naaresto na sina Nkechukwu Sunday Promise Ekekwe, Emmanuel Obi Nwadkure, Divine Chinecherem Obioma, at Domike Izuchukom Obioma.
Sa ulat, naaresto ang apat noon pang Sept. 8 sa dalawang condominium units sa Sucat, Muntinlupa City.
Nasabat ang siyam na smartphone; limang laptop; one-time pin; ilang debit cards blank cards na may POS device; Wi-Fi router; identification cards at iba pang dokumento.
Mahaharap ang mga naaresto sa kasong paglabag sa Section 9 (r) of Republic Act 8484, ang Access Devices Regulation Act of 1998. (Jocelyn Domenden)