Advertisers
NAMATAY ang isang lalaki habang nasa loob ng Josefas Lodge sa Cotabato City.
Base sa kaniyang Digital I.D. kinilala ang nasawi na si Jerry Angoto Pigcaulan, 55-anyos at residente ng Brgy Capiton Datu Odin Sinsuat Maguindanao.
Sa repot, kasama ni Pigcaulan sa lodging house ang isang Zafra Omar Hamid, 50-anyos, negosyante at residente ng Brgy. Kudal Pagalungan Maguindanao.\
Ayon sa salaysay ng isang room boy, nag-check in ang dalawa sa Room 16 sa lodging house at makalipas ang ilang oras, bigla na lamang lumabas si Hamid at humihingi na nang saklolo sa mga staff ng Josefas Lodge upang tulungan si Pigcaulan.
Nagawa pang mailabas sa kwarto si Pagcaulan ngunit kalaunan bigla na lamang itong nanigas at hindi na humihinga kung saan binawian ng buhay na posibling inatake sa puso.
Ayon kay Hamid, nagtaka na lamang umano siya dahil kakain lamang sila ni Pigcaulan ngunit dinala siya nito sa lodge. Pabalik-balik umano sa CR ang biktima at apat na beses umihi at bigla na lamang nangisay.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Cotabato City PNP sa naturang pangyayari.(PFT team)