Advertisers

Advertisers

Duterte magsusumite ng monthly report para sa implementasyon ng Bayanihan 2

0 220

Advertisers

Kampante ang Malacañang na magsusumite si Pangulong Rodrigo Duterte at kanyang gabinete ng monthly report sa Kongreso ukol sa pagkakagastos ng P165.5 bilyon COVID-19 stimulus package na nakapaloob sa Bayanihan Act 2.
Nitong Biyernes ng gabi, Setyembre 11, ay nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte at ganap ng batas ang panukalang Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.
Ayon kay Presidential Communications Sec.Martin Andanar, nanatiling committed ang kasalukuyan administrasyon sa pagsusulong ng accountability and transparency lalo na sa paggastos ng public funds kaya magsumite sila ng ulat sa Kongreso kada buwan hanggang Disyembre 2020.
Binigyan diin ni Andanar na sa ilalim ng Bayanihan 2, pinaigting ang pagbibigay ng cash assistance hindi lamang sa health care sector kundi maging sa ibang apektadong sektor gaya ng agrikultura, turismo at transportasyon na tinamaan ng COVID-19 pandemic. (Josephine Patricio)