Advertisers
Maraming professional leagues ang natigil dahil sa coronavirus pandemic sa iba’t-ibang panig ng mundo pati na sa Pilipinas.
Pero ibahin mo ang mga Pinoy chess players. Mas dumami ang naging aktibong chess players sa Pinas ngayon at hindi nauubusan ng online chess tournaments. Meron na ring nakakasang professional chess league para sa mga Pinoy na ang pangunahing hangarin ay mapabuti ang lagay ng buhay ng mga local players natin ngayong panahon ng pandemya.
Sa ngayon ay meron na raw 20 teams na kumpirmadong sasali sa professional chess league na ating binabanggit. Each team ay merong six players, including a senior and a female chess player. Hindi pa natin sigurado kung puwedeng mayroong junior chess player na makasali sa professional chess league.
***
Mukhang mauunsiyami ang inaasahan ng marami na Western Conference Final showdown between the Los Angeles Lakers at Los Angeles Clippers.
Maagang tinapos ng Lakers ang serye nila against the Houston Rockets, 4 – 1, pero napuwersa sa Game 7 ang Clippers ng kanilang katunggaling Denver Nuggets. Ngayong araw nakatakda ang Game 7.
Ilang araw lang ang nakakalipas ay may nabasa tayo na nagsasabing “Kawhi Leonard is still the best closer” daw sa NBA.
That’s laughable dahil kahit kailan ay hindi pa nai-consider na best closer si Leonard. Best individual defender siguro puwede pa. But if you are trying to close a game or a series, ang pumapasok agad sa isip mo ay ang mga katulad nina LeBron James, Kevin Durant at Damian Lillard. LeBron has won 15 of the last 16 close-out games he has played in. Leonard just lost his second straight.
At sa mga nagsasabing papalaos na si LeBron, consider this: He became just the second player after Oscar Robertson to score at least 250 points, grab 100 rebounds and dish off 80 assists in the first 10 games of the playoffs. Idagdag mo pa ang mga momentum-shifting blocks at steals niya in these playoffs and you wouldn’t think that he’s 35 years old and playing on his 17th season.