Advertisers
HUMIGIT-KUMULANG sa 108 gramo ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad nang salakayin ang bahay ng mag-live-in partner sa Barangay Quezon, Cabugao, Ilocos Sur.
Kinilala ang mag-live-in na sina Rodel Ayco Aquino at Donna Sonido Salom.
Sa ulat, parehong high value target ang 2 suspek ng PDEA.
Bukod sa shabu na nakalagay sa 27 sachets na nasa P1.08 ang halaga, nakumpiska rin mula sa bahay ng mga suspek ang isang cal. 22 magnum na may kargang anim na bala, 26 bala ng cal. 22 magnum, limang bala ng cal. 38 pistol, isang weighing scale, dalawang lighters, dalawang cellphones, isang gunting at cash.
Naaresto sa operasyon si Donna habang nakatakas si Rodel.(Ace Ramales)