Advertisers
MULA sa impressive finish na 1st runner-up last season sa UNIVERSITY ATHLETIC ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES (UAAP) versus undefeated champion ATENEO BLUE EAGLES, balik-scratch ang UNIVERSITY of STO. TOMAS (UST) GROWLING TIGERS dahil sa hullabaloo dulot ng Sorsogon training bubble. Labag sa protocols, naharap sa imbestigasyon ng INTER-AGENCY TASK FORCE (IATF) ang TIGERS.
Mula sa angkan ng pulitiko sa Sorsogon di kataka-takang doon dinala ni Coach ALDIN AYO ang team sa masidhing desire na ihatid sa kampeonato ang team at maihanay sa tatak niyang ‘nag-champion ang lahat ng 1st time handled team, from Sorsogon to Manila, (napa-tsampyon niya ang LETRAN at nilipatang LA SALLE sa 1st year).
Sa paglipat sa UST, self-explanatory na semplang si AYO sa unang taon with a very raw team na gumradweyt ang standout players.
Sa 2nd year, ginulat nila ang most crowded collegiate league nang sumipa sa finals, nilampasan ang nakaunang FAR EASTERN UNIVERSITY
TAMARAWS at UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES FIGHTING MAROONS para tangkaing agawin ang korona ng ATENEO.
MALALANG KALASAN
UMABOT na sa point na nagkalasan ang key players ng UST at giba ang team sa paglipat ni Team Captain CRISPIN JOHN “CJ” CANSINO aka King Tiger sa UP kasunod ang pagbitiw ni Coach AYO. Bumuhos sa social media ang iba-ibang opinion at lumabas na AYO versus CANCINO ang sentro ng isyu.
Nagpaalam si CJ na uuwi sa Maynila sa alibi na nami-miss ang pamilya. Later, lumabas na hirap mag-adjust ang players sa pagkain, sa isyung ‘mamantika’ ang recipes ng wife ni AYO at ‘tipid’.
Ilan sa comments sa FB ang ‘malaki ang budget ng UST sa foods.” Nag-voice out si CJ na TINANGGAL siya sa UST for ‘defiance of authority’. Nagkasagutan sila ni Coach. Walang recourse si CJ but to jump. Well, teammates na sila ni RICCI RIVERO, ex-starplayer ni AYO sa LA SALLE.
Naibaba na ng UAAP Board ang indefinite ban decision kay Coach ALDIN AYO na ‘pasimuno’ umano ng Sorsogon bubble. Nalagay sa alanganin ang players’ welfare amid pandemic under AYO. Aminado na sa flaws, ‘lesson learned’ ito at wish niyang makabalik sa coaching in the future. Sa ‘realization blues’ ni AYO, kasama kaya ang naging differences nila ni RICCI RIVERO preceded by that with CJ, pati sa LETRAN at sa LA SALLE? Just curious.
SEPTEMBER HEYDAYS
MANY HAPPY RETURNS OF THE DAY to former Mandaluyong Mayor and COMELEC Chairman BENJAMIN S. ABALOS, to Ms. EMMA PEREZ of Mandaluyong PIO, and JOJO GATBONTON of Bataan. The Lord’s best blessings be with you. HAPPY READING!