Advertisers
NAGSANIB puwersa sina Jamal Murray at Nikola Jokic upang pamunuan ang opensiba ng Denver na umusad sa Western Conference finals sa unang pagkakataon mula noong 2009.
Umiskor si Murray ng 40 points, habang si Jokic nagtala ng triple-double sa third quarter upang muling malusutan ng Denver ang double-digit deficit at gulatin ang Los Angeles Clippers sa 104-89, sa Game 7 kahapon sa Lake Buena Vista, Florida.
Denver ang naging unang team sa NBA history na nag rally mula sa 3-1 deficit dalawang beses sa parehong postseason.
Ang Nuggets ang third team sa U.S major pro sports ang nag-rally ng dalawang beses na 3-1 deficits sa parehong playoffs, para mapahanay sa 1985 Kansas City Royals at 2003 Minnesota Wild.
Makakaharap ng Denver si LeBron James at ang Los Angeles Lakers sa conference finals.
Ang 7-foot Jokic ay halimaw ang laro na nagtala ng 16 points,13 assists, at 22 rebounds, ang pinakamagaling na Nuggets player sa NBA playoff game, binasag ang kanyang rekord na 19 points na naitala nakaraang season para makahanay si Marcus Camby.
Sa panig ng Clippers – si Leonard nagtapos 14 points on 6-of-22 shooting, habang si George bumakas ng 10 points.