Advertisers

Advertisers

2 Ex-Konsehal, 1 pa incumbent huli sa P6.8m shabu

0 279

Advertisers

Nasamsam ang isang kilong shabu sa inilunsad na anti drug operation ng Philippine Drug Enforcement Unit (PDEA-BARMM) sa Lanao Del Sur.
Kinilala ang mga suspek na sina dating Tagoloan Lanao Del Sur Municipal Councilor Esnaira Sultan Capal alyas Nai, Ex-Councilor Pangcopa Hadji Salik alyas Peping, Tagoloan Incumbent Municipal Councilor Simpanor Capal Salic at Rodrigo Sequino alyas Jojo.
Ayon kay PDEA-BARMM Regional Director Juvinal Azurin na naglunsad sila ng drug buybust operation sa bahagi ng national highway sa Purok 4 Barangay Matampay Marawi City katuwang ang tropa ng 103rd Brigade, 82IB,55IB, PIU-LDSPPO, Marawi MPS,1 403rd at 1402nd PNP-Regional Mobile Force Battalion, LDS PNP at Maguindanao PNP.
Narekober sa mga suspek ang tinatayang isang kilong shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon.
Nakatakdang sampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act 2002.(PFT team)